Friday, November 13, 2009

Tanong at Sagot

Tanong At Sagot

Mga sagot ni Skh. Abdulhadie Gumander,Kpccenter Excecutive Director na itinala ni Bro. Abdullah Tabing

Tanong:
Kung ang mga Muslim ay naniniwala kay Hesus, ano naman ang kanilang paniniwala sa Bibliya?


Sagot:
Bismillah, wassalatu wassalamu 'ala rasulillah, wa'ala alihi wasahbihi waba'd.
Lahat ng mga nananampalataya sa Panginoong Diyos ay nararapat na maniwala kay Hesus bilang dakilang propeta at sugo ng Diyos, kabilang sa kanila ang mga Muslim at bagkus hindi matatawag ang tao na isang Muslim kung hindi naniniwala kay Hesus. Gayundin sa mga aklat na ipinahayag sa mga propeta at Ebanghelyo ni Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan),subalit ng dahil sa halos napagkasunduan ng mga nag-iimbistiga mga Muslim man o hindi, na ang banal na Bibliya na hawak-hawak ng mga ibat-ibang sekta ng Kristiano sa ngayon ay hindi napatunayang kung ito ang mga orihinal na ipinahayag sa mga propeta, katulad ng Tawrah ni Moises, ang Salmo para kay David, at ang Ebanghelyo para kay Hesus, kaya ang mga pantas sa Islam ay mayroon silang tatlong katayuan sa Bibliya;
Una, kung ito ay sumang-ayon sa banal na Qur'an na ipinahayag kay propeta Mohammad (Sumakanya ang mga pagpapala at kapayapaan) ay nararapat at obligadong tanggapin at patotohanang ito ay mula sa Diyos, sapagkat pinatunayan ng huling kasulatan (Banal na Qur'an) na ito ay hindi taliwas sa mga aral ng mga propeta at sa kanilang mensahe.
Ikalawa; Kung hindi nabanggit ang pagsang-ayon sa Banal na Qur'an o kaya ay pagsalungat ay nararapat din na tanggapin at pagbatayan sapagkat sinabi ni propeta Mohammad (sumakanya ang kapayapaan). "Inyong ipahayag ang mga kasaysayan ng Israel, huwag ninyo silang paniwalaan at huwag ninyo rin silang pagbintangan na mga sinungaling."
Ikatlo; Kung ang mga ito naman ay sumasalungat sa Banal na Qur'an ay hindi na kaylan man tatanggapin ng mga Muslim sa dahilang napapatunayang hindi nagmula sa Diyos, at kung ito man ay nagmula rin sa Diyos at ipinahayag din sa mga sinaunang propeta ay maaaring napalitan na o kaya ay binura na Niya, sapagkat ang huling kasulatan ang maaring makabubura sa mga naunang kasulatan sang-ayon sa kagustuhan ng Diyos para sa ikabubuti ng sangkatauhan sa bawat panahon.

Mag-email sa: joselitotabing gmail.com