Sa Islam, ang mga bagay na ipinagbabawal lamang ay ang mga bagay na nakasisira, nakaaapekto, nakasasama sa kalusugan, buhay o pagkatao ng isang tao. Ang Allah, ang Walang hanggang nakaaalam ng mga bagay ay nakababatid sa lahat ng mga makabubuti o makasasama sa Kanyang mga nilikha. Alam Niya ang kahinaan at ang kalakasan ng Kanyang mga nilikha. Kaya kung ano man ang mga bagay na ipinagbawal Niya, ito ay makasasama at kung anuman ang mga bagay na ipinagagawa Niya, yaon ay makabubuti at para sa kanilang sariling kapakanan.
Pero bakit pa nilikha ang baboy, gayung ipagbabawal lang naman pala? Dito makikita, ito ay isang maliwanag na pagsubok sa isang nilikha kung siya ba ay susunod o hindi sa mga batas at kautusan, sa mga responsibilidad at tungkulin na ini-atang sa kanya ng Nag-iisang Tunay na Diyos na Tagapaglikha, ang Allah. Makakapasa ba siya o babagsak sa mga pagsubok. Katulad halimbawa noong panahon nina Propeta Adan at Eva, binigyan sila ng kalayaan na kumain o lumapit sa alinmang mga puno o halaman huwag lamang doon sa isang puno. Dito pumapasok ang kakayahan ng isang tao na pumili, sumunod o sumuway sa mga batas sa kanya ng kanyang Tagapaglikha.
Tungkol sa baboy, sasagutin ko ito sa tatlong kaparaanan. Una ay espirituwal, pangalawa ay medical at pangatlo ay social o ang pakikisalamuha natin sa lahat ng mga bagay na nakapaligid sa atin.
Sa espirituwal, noong ipinag-utos ng Allah sa Banal na Qur’an sa Surah al-Baqara (2): 173, Surah al-Maida (5):3, Surah Al-An-am (6): 145 at sa Surah an-Nahl (16): 115, na nakasaad sa mga ito na ipinagbabawal sa mga Muslim ang pagkain ng baboy. Kaming mga Muslim, kapag ipinag-utos ng Allah na bawal, hindi na kami nagtatanong ng : Ya Allah, bakit bawal? Ang mga Muslim sabi sa Banal na Qur’an, Surah Al-Baqara (2):285: “Wa Qalu Sami’na Wa Ata’na, We hear and we obey, narinig namin at amin itong susundin.
Ang pagkain, pag-aalaga, pagbebenta ng baboy ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga Muslim . Magkaganun pa man hindi ipinaliwanag ng Quran ang dahilan ng pagbabawal nito. kung ang isang nilikha ay tunay na nananampalataya sa Tagapaglikha, marapat lamang na sundin Siya ng wala nang tanong-tanong pa. Dahil ang Allah, ang walang hanggang nakababatid kung ano ang mabuti o masama para sa Kanyang nilikha, kaya bilang isang nilikha lamang na nagnanais ng Kanyang kaluguran, makatarungan lamang na sumunod at magpasakop tayo sa Kanya. Sa mga kautusan ay hindi isinasama ang dahilan. Ang dahilan ay nakatago. Tulad halimbawa, walang dahilang binabanggit sa mga paalala tulad ng: NO PARKING”, “NO SMOKING”, NO SWIMMING” atbp. kahit may dahilan ang pagkakalagay nila doon.
At kung titingnan natin ang mga biyaya ng Allah sa atin, ipinagbawal Niya lamang ang mga bagay na makasasama subalit pinalitan naman niya ito ng napakaraming pwede mong I-substitute doon, tulad halimbawa na pwede kang kumain ng baka, kambing, tupa, kamelyo, isda at napakarami pang iba. Magkaganon pa man, ang Allah na Pinakamaawain sa Kanyang mga nilikha ay nagbigay ng pahintulot na kung sakali at napuwersa siya ng matinding pangangailangan na walang sadyang pagsuway sa batas ng Allah o paglampas sa mga limitasyon na itinakda ng Allah, ukol doon ay wala siyang kasalanan.
Ang halimbawa nito ay yaong naglalakbay ka sa isang disyerto o isang isla na walang anumang pagkain kang matagpuan, ni anumang hayop upang kainin at yong baboy lamang ang naandoon; pwede kang kumain ng karne ng baboy na makakasuporta sa iyo sa iyong paglalakbay subalit hindi yong magbabaon ka pa ng natirang karne, kundi ang kakainin mo lamang ay yaong makakasapat sa iyo. Kahit na sa Biblia, sa Lumang Tipan: Deuteronomy 14:8 at sa Leviticus 11:7-8, mahigpit na ipinagbabawal ang baboy.
Ang pangalawa ay medical: sa isang artikulo, “ang Baboy ay sanhi ng sakit na Cirrhosis”, na nasa issue ng Plain Truth noong April 1986, na published ng Worldwide Church of God sa California ay nagsasabi: “Ang mga researchers sa University ng Ottawa ay nag-ugnay sa pagkain ng baboy sa pagkakaroon ng sakit na Cirrhosis- ang talamak na pagkabulok ng Atay sa isang tao. Sinabi din nina Dr. Amin Nanji at Dr. Sammuel French, na mas mabilis ang pagkabulok ng atay kapag pinagsama ang pagkain ng baboy at ang pag-inom ng alak. Ang baboy ay tamad at mahilig sa sex, ayaw sa liwanag ng araw mas gusto niya ang madilim na lugar, maruming hayop at walang pagnanais na makipaglaban. Ang baboy ay worst scavenger din, kinakain niya ang kahit na anong bagay kahit pa nga ang kanyang sariling tae o anumang bagay na marumi. Kung ikukumpara sa lahat ng mga hayop, ang baboy ang pinakatirahan ng napakaraming uri ng mikrobyo, hindi lang iyon, siya rin ang tagapagdala ng napakaraming sakit o diseases sa mga tao.
Sinabi ni Rev. C.L. Vories sa kanyang aklat na “The Hog”: “tingnan ninyo ang animal na ito habang siya ay nakalublob sa putikan, tingnan mo siya sa kanyang pinakamasayang panahon, sa ibabaw ng bunton ng pataba, na ang kanyang ulo ay nakabaon sa dumi kung saan ipinapakita niya ang kanyang kasiyahan at satisfaction sa pamamagitan ng kanyang maindayog na pag-igik.”
Sa sulat ni Dr. Martin Harris, isa namang anthropologist, sa “The Human Strategy”…papalibutan at mumudmuran ng baboy ang kanyang katawan ng kanyang sariling ihi at dumi.” Sa aklat ni Dr. Rizvi: ang baboy ay ang supremong tagapagdala ng mga mikrobyo, ang dahilan ng napakaraming serious at mga nakamamatay na mga sakit, ang ilan sa kanila ay: dysentery: trichinosis, tape worms, jaundice, pneumonia, suffocation, intestinal obstruction, acute pancreatitis, enlargement of the liver, diarrhoea, high fever, pumipigil sa malusog na paglaki ng mga bata, typhoid, pagkalumpo, heart trouble, sterility, etc.
Mayroong napakaraming uri ng bulate na matatagpuan sa baboy tulad ng trichinola, tape worm atbp. at ano ba ang kinakain ng baboy, hindi ba yaong mga natirang pinaghalu-halong pagkain? At bakit kung ikukumpara sa lahat ng hayop kapag nanganak, ang baboy lamang ang may kamadrona (midwife), sosyal; kasi kahit ang sarili niyang anak, kapag siya ay nagutom, ito ay kakainin niya. Siguro ay narinig ninyo na rin ang bulugan na iginagala sa bayan upang ika nga ay ipakipagtalik doon sa alaga nilang baboy. Okey lamang sa mga asawa nila, kung sila ay makipagtalik sa iba, hindi katulad ng ibang hayop na marunong magselos, handang ipagtanggol ang kanilang mga asawa laban sa mga may pagnanasa sa mga ito.
Pangatlo, sosyal naman po---pagkatapos po nating mabatid na ang baboy ay masama sa isang tao; sa kanyang kalusugan ano naman po kaya sa naturalesa ng isang tao? Ang mga pagkain po pala, pagkatapos po nating kainin ay hindi lamang pumapasok sa intestines tapos ay lalabas sa ating katawan bilang isang dumi. Ito po may malaking apekto sa kaisipan at pamumuhay ng isang tao. May kasabihan nga pong “What we eat, is what we are”. Kapag kumain po tayo ng malulusog at malinis na pagkain, magiging malinis din po ang ating kaisipan at kalusugan, subalit kabaligtaran naman kung madumi ang pagkain.
Kapag nga halimbawa ay may tao kayong nakagalit, ano kaya ang sasabihin niya sa inyo, baka ka, kambing ka o baboy ka. Kahit biro lang ito, sa ating pandinig ay hindi maganda. Bakit ganon tayong tao, kinakain ang laman, pero ang salita pa lamang ay hindi na maganda? Kasi nga, pangalan pa lamang ay alam nating marumi na.Tingnan natin ang mga restaurant na nasa Kamaynilaan: halimbawang manok ang tinda ninya, sa streamer ay ganito ang mababasa: manukan, Max’s Fried Chicken, Pinaupong Manok, Tinolang Manok; kapag baka naman ay; bakahan, kalderetang baka, pritong baka; kapag kambing naman ay kambingan, kalderetang kambing; pero kapag baboy bakit ang nakalagay lang ay: LECHONG KAWALI, LECHON DE LECHE. LYDIA’S LECHON, MANG TOMAS LECHON? Kasi , halimbawa kayang BABUYAN ang ilagay, o KAKANING BABOY, meron pa kayang papasok ng inyong tindahan?
Monday, April 5, 2010
Tuesday, March 30, 2010
Kagandahang Asal at Pag-uugali sa Islam
Ang kagandahang asal at pag-uugali ang mga batayan ng kabihasnan ng mga bansa. Ito ang katibayan ng kanilang karangalan sapagkat ang lipunang walang anumang kagandahang asal at pag-uugali: sa pagitan ng matanda at ng bata, ng pantas at ng mag-aaral, ng amo (pinuno) at ng tagasunod – ay isang di-maunlad na lipunan kahit na maraming mga may-pinag-aralang kasapi sapagkat ang karunungang walang kagandahang asal at pag-uugali ay hindi sapat!
Kung inyong titingnang mabuti ang hangarin (pakay) ng Propeta Mohammed(Saws)[1][1] sa pagtatanong ng mga tao na sundin ang tamang landas, inyong makikita na ang pagtuturo, pagsasanay at pagsasagawa ng kagandahang asal at pag-uugali ay napakahalagang dahilan ng mga gawi (landas) ng Propeta(Saws)[2][2]. Ang Makapangyarihang Allah(Swt) ay nagsabi sa Qur’an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:
“At katotohanan, kayo ang pinakamataas ang uri ng pagkatao.” [Qur'an, 68:4]
At isinalaysay ni Anas Ibn Malik (Nawa’y kalugdan siya ng Allah) na:
“Ang Sugo ng Allah(Saws) ang pinakamarangal sa lahat ng mga tao sa pag-uugali.” [Reported by Al-Bukhari and Muslim]
Natutunan ng mga taong kasama (nakapalibot) ng Propeta(Saws) ang mga kagandahang asal at pag-uugali na ito na siyang naging dahilan kung bakit nagkaroon sila ng pamayanan an may napakataas na antas ng kagandahang asal at pag-uugali. Noong namatay ang Propeta(Saws), ang Qur’an at Sunnah ay ang mga pinagmumulan ng pag-aaral ng wastong asal at pag-uugali na nagtutuwid sa mga puso ng mga Muslim at pumapatnubay sa kanila sa tamang landas. Ang mga kabutihang asal at pag-uugali ay marami, kagaya ng:
“Ihsan” – na ang ibig sabihi’y gumawa ng mabuti na kabaligtaran ng paggawa ng masama. Ang mabuting pag-uugali ay sumasaklaw sa bawat mabuting pakikitungo sa iba na makapagpapaligay sa kanila at ikalulugod nila. Sa ibang salita, ang “Ihsan” ay ang mabuting pakikitungo sa iba sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanila nang mahusay at may magandang pananalita, pagtulong sa kanila sa anumang tulong sa kakailangangin nila, pag-iwas sa pakikipag-away, pakikipagtalo at pananakit sa kanila kahit na pakitunguhan ka nila nang hindi maganda. Ito ang landas ng Propeta Mohammed(Saws). May isang pagkakataon na isang tao ang dumating mula sa likuran ng Propeta(Saws) at hinila ang kanyang kasuotan nang malakas na nakasakit sa Propeta at nagsabi: “Mohammed, bigyan mo ako (ng kawanggawa) mula sa yaman ng Allah.” Ngumiti ang Propeta at binigyan niya ito ng ilang salapi. Makikita mo kung gaano kainam na pinakitunguhan ang taong ito na nakasakit sa kanya. Iyan ang isang halimbawa ng mabuting-asal at pag-uugali.
May mga tao bang partikular na pinagsasagawaan ng “Ihsan” o sa bawat isa?
Ang “Ihsan” ay ipinagsasagawa sa lahat ng tao. Ngunit ginawa ng Qur’an na higit na karapat-dapat kaysa sa iba kagaya ng mga magulang, kamag-anak, kapitbahay at ang manlalakbay. Ang Allah ay nagsabi sa Qur’an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:
“Sambahin ang Allah at huwag magtambal sa Kanya ng sasambahin, at gumawa ng mabuti sa inyong mga magulang, kamag-anak, ulila, ang mga mahihirap, ang kapitbahay na malapit na kamag-anak, ang kapit-bahay na banyaga, ang kaibigang katabi, ang manlalakbay (na inyong makikilala), at silang (mga alipin) na nahahawakan ng inyong mga kanang kamay.” [Qur'an, 4:36]
Ang ganitong uri ng tao ay nangangailangan ng inyong kabaltan higit kaysa sinupaman. Ganoon pa ma`y maging mabait sa lahat ng tao.
“Pagpapatawad” – Ang pagpapatawad ay para doon sa nagkasala sa pamamagitan ng pagpapasakit sa kalooban ng iba at pagkaraa’y humingi ng kapatawaran o dili kaya’y batid natin na ang taong ito’y may matuwid na dahilan sa kanyang ikinilos. Ang isang maka-Diyos na Muslim, ang sumusunod sa kanyang pananampalataya, ay palaging nagpapatawad. Ibinigay sa kanila ng Allah ang Kanyang pagmamahal. Ang Allah ay nagsabi sa Qur`an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:
“At bagtasin ang landas (na patungo sa) kapatawaran mula sa inyong Panginoon at sa Paraiso na kasing-lawak ng kalangitan at ng daigdig, inihanda para sa mga Al-Muttaqeen (maka-Diyos). Silang gumugugol sa kanilang kasaganaan at kahirapan, na pumipigil ng poot, at nagpapatawad sa mga tao; katotohanan, mahal ng Allah ang Al-Muhsinean (ang mga gumagawa ng mabuti).” [Qur'an, 3:133-134]
Sa gayo’y makikita ninyo kung paano ipinangako ng Allah(Swt) ang Paraiso para sa kanilang gumugugol (sa kawanggawa) para sa kapakanan ng Allah(Swt). Sila ay nagpapatawad sa mga taong nakasakit ng kanilang kalooban. Ito ay isang napakarangal na pag-uugali na bibihirang tao lamang ang may katangian. Ang Islam ay nagpapahayag ng kapatawaran sapagkat ginagawa niyang ligtas ang lipunan sa poot at pagkasuklam. Kung kaya’t ang Muslim ay nararapat na maging mabuti sa bawat isa kahit na saktan nila ang kanyang kalooban. Ang Allah ay nagsabi sa Qur’an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:
“Katotohanan, siya, na sa iyong pagitan at sa kanya ay mayroong pagkapoot, ay magiging gaya baga ng matalik na magkaibigan.” [Qur'an, 41:34]
Kung kaya’t ngumiti at maging mabait sa kanyang nakasakit sa iyong kalooban upang mapagtagumpayan ang malaking gantimpala mula sa Allah(Swt). Gayundin, kapag ang isang pagkakasala ay tinumbasan ng isa ring pagkakasala, magkakaroon ng pagkasuklam sa isa’t-isa, at ang mga puso ay mapupuno ng poot. Subalit kapag ang pagkakasala ay sinuklian ng pagpapatawad at magagandang pananalita, sa gayo’y magsisisi ang taong nagkasala at babaguhin niya ang kanyang pag-uugali sa malapit na hinaharap.
Ngunit sa ganitong asal, nangangahulugan ba na walang makakaganti sa taong nakasakit sa kanya?
Hindi. Kung nais niya ay maaari siyang makaganti sa ganoon ding antas ng pagkakasala ngunit hindi na hihigit pa roon. Ang Allah ay nagsabi sa Qur’an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:
“At kapag kayo’y nagparusa, parusahan sila kagaya ng pagkakapanakit sa inyo. Subalit kapag matiyaga ninyo itong tiniis, katotohanan, higit itong mainam para sa mga As-Sabirin (ang mga matitiyaga).” [Qur'an, 16:126]
Kung kaya’t kapag ang isa’y nakasakit sa isang tao, ang nasaktan ay maaaring makaganti sa ganoon ding pagkakasala. Subalit kapag pinatawad niya ito, higit na mainam ito sa kanya patungkol sa gantimpala ng Allah(Swt). At mabuti rin para sa lipunan ang magkaroon ng kapatawaran sa pagitan ng mga tao. Ngunit kapag ang nagkasala ay isang masamang tao at ang pagpapatawad sa kanya’y hindi makakapagdulot ng anumang kabutihan bagkus ay lalo lamanag siyang makakagawa ng iba pang mga kasalanan, samakatuwid ay hindi natin nararapat patawarin ang taong ito.
“Katapatan” – Ang isang Muslim ay palaging tapat sa iba. Ito ang itinuturo ng Islam, ang maging matapat at magsabi ng katotohanan palagi ang isang Muslim. Ang katapatan ay isang katangian na nagpapatatag sa isang lipunan at nagbibigay tiwala sa mga tao. Ito ang nagpapanatag sa tao sa lahat ng kanyang pakikitungo nang hindi nangangamba na maapi o dili kaya’y malinlang. Ito ang dahilan kung bakit ipinag-utos ng Allah ang katapatan sa talatang ito, na ang kahulugan ay isinaling wika nang ganito:
“O kayong naniniwala! Matakot sa Allah, at sumama sa kanila na matapat (sa salita at gawa).” [Qur'an, 9:119]
Gayundin, ang Propeta(Saws) ay nanawagan para sa katotohanan sa Hadith na ito, na ang kahulugan ay isinaling wika ng ganito:
“Ang katotohanan ay nagbibigay-daan sa kabanalan at ang kabanalan ay nagbibigay-daan sa Paraiso. Ang tao’y naninindigan sa pagsasabi ng katotohanan hanggang sa siya ay maibilang ng Allah na isang matapat na tao.” [Iniulat ni Al-Bukhari and Muslim]
Ang isang mabuting Muslim ay yaong nagsasabi palagi ng katotohanan kahit na ang patungkol sa kanyang sarili. Gayundin, nararapat iwasan ng isang Muslim ang ilang pag-uugaling sumasalungat sa katotohanan o katapatan kagaya ng pagsisinungaling, panlilinlang sa alinmang kaparaanan kapag nagbebenta, bumibili pagsasagawa sa isang gawain para sa isang tao sa paaralan o dili kaya’y sa anupamang kaparaanan ng pandaraya ng iba. At tandaan din na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng alinman sa mga gawang ito sa iba, at higit pang malala ang gawin ito sa Allah(Swt). Kung kaya’t mag-ingat sa pagiging di-matapat sa Allah o dili kaya’y sa ibang tao.
Kagandahang asal ng “Dila” o bunganga – Kung inyong titingnan ang halos lahat ng suliranin gaano man sila kaliit o kalaki, inyong mapag-aalaman na ang mitsa nito ay ang bunganga. Ang bunganga ay magsasabi ng mga salita sa panahon ng pagngangalit nang hindi binibigyang-pansin ang kanyang sinasabi na magiging sanhi ng maraming suliranin at pagkapoot sa mga tao. Sa gayo’y kinakailangang palaging mag-ingat ang isang Muslim sa kanyang sasabihin sa iba. At nararapat na sabihin lamang nila ang mga mabubuting salita sapagkat ito ang utos ng Allah(Swt) sa Qur’an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:
“At sabihin sa Aking mga alipin, na nararapat na sila’y magsabi ng mga salitang yaon na pinakamainam. Sapagkat katotohanan, ang Shaitan ay naghahasik ng di-pagkakaunawaan sa kanila. Katiyakan, ang Shaitan sa tao ay tunay na kaaway.” [Qur'an, 17:53]
Gayundin, ang Allah ay nag-utos sa mga Muslim na maging mapagpakumbaba ang kanilang tinig, kagaya ng sinabi Niya sa talatang ito, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:
“At ibaba (maging mapagpakumbaba) ang inyong tinig. Katotohanan, ang pinakamagaralgal sa mga tinig ay ang tinig ng asno.” [Qur'an, 31:19]
Anong uri ng pananalita ang ipinagbabala ng Islam?
Ang Islam ay nagbabala sa anumang masasamang salita kagaya ng pagmumura o dili kaya’y mga masasagwang salita. Ang Propeta(Saws) ay nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:
“Ang tunay na naniniwala ay hindi nasasangkot sa pangungutya, madalas na pagmumura (ng iba), o dili kaya’y sa kalaswaan at pagmamalabis.” [Iniulat ni At-Tirmidhi]
Gayundin, ang Islam ay nagbabala sa paninirang puri. Ang Allah ay nagsabi sa Qur’an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:
“At huwag manirang puri (itsismis ang) sa isa’t-isa. Nanaisin ba ng isa sa inyo na kumain ang laman ng kanyang patay na kapatid? Ikagagalit mo ito.” [Qur'an, 49:12]
Gayundin, si Abu Musa Al-Ash`ari ay nagsabi: “Aking tinanong ang Sugo ng Allah(Saws): Sino ang pinakamahusay sa mga Muslim?” Siya ay nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:
“Ang isang mula sa kung kaninong dila at kamay ligtas ang ibang mga Muslim.” [Iniulat ni Al-Bukhari and Muslim]
Ang Islam ay nagbabala din sa “Namimah” (paninirang puri). Ang Allah ay nagsabi sa Qur’an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:
“Ang naninirang puri ay pagtungo sa kasinungalingan (sa paninirang puri).” [Qur'an 68:11]
At ang Propeta(Saws) ay nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:
“Ang tao na nagkakalat ng kasinungalingan ay hindi papasok sa Paraiso.” [Napagkasunduan]
Ang Muslim ay nararapat na palaging mag-ingat sa kanyang mga sinasabi na maaaring mabuti o masama. At gaya ng pagkakaalam mo, ang lahat ng sinasabi ng tao ay isusulat ng anghel sa kanan o yaong anghel sa kaliwa. Kung kaya’t mag-ingat sa lahat ng iyong sinasabi sa lahat ng oras.
Paghingi ng Kapahintulotan – upang makapasok sa isang pribadong lugar gaya ng bahay ng iba, takdang tungkulin para sa Muslim ang humingi ng kapahintulutan sa taong yaon na pumasok sa kanyang lugar sa dahilang maaaring hindi niya nais makipagkita kaninuman o dili kaya’y hindi sa panahong yaon sa anupamang kadahilanan. Kung kayat bago pumasok, nararapat na kumatok o dili kaya’y magsalita upang maipabatid na dumating ka. At kapag ikaw ay pinahihintulutan, pumasok ka. Subalit kapag sinabihan kang umalis na, sa gayo’y umalis nang walang sama ng loob sapagkat marahil ay wala sa kondisyon ang isang tao upang harapin ka sa takdang oras na ito. Muli, huwag pumasok nang walang kapahintulutan. Ang Allah ay nagsabi sa Qur’an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:
“O kayong naniniwala! Huwag pumasok sa mga bahay na hindi inyo hanggang sa ikaw ay nakahingi ng kapahintulutan at nabati ang mga naroroon. Higit na mainam iyan para sa inyo upang makaalalakayo. At kapag wala kayong nadatnan doon, manapa’y huwag pa ring pumasok hanggang ang kapahintulutan ay naibigay na. At kapag napakiusapan kayong bumalik na lamang, bumalik na lamang sapagkat ito’y higit na dalisay para sa inyo, at ang Allah ang Lubos na Nakababatid ng inyong ginagawa.” [Qur'an, 24:27-28]
Kaya, mga kapatid, naririto ang ilang mga kagandahang asal at pag-uugali na nararapat isagawa ng mga taong sumusunod o tumatalima sa kagustuhan ng Diyos. Hindi lamang ang mga ito ang kagandahang asal at pag-uugali. Ngunit ito lamang ang ating pinili para sa inyo ngayon. Kung kaya’t isagawa ang mga ito.

Ang Pagsamba sa Tunay na Diyos sa Halip na Diyus-diyusan

Ang Pagsamba sa Tunay na Diyos sa Halip ng Pagsamba sa Diyus-diyusan
--
Katotohanan, hindi pinatatawad ng Allah ang pagbibigay katambal sa Kanya (sa pagsamba). Datapwa’t pinatatawad Niya ang ibang kasalanan bukod dito sa kaninumang Kanyang nais. At sinumang magtambal ng iba sa pagsamba sa Allah, tunay na siya ay nakagawa ng isang napakalaking kasalanan. [4:48]
Ang Allah – ang Dakila at Maluwalhati ay ipinakilala ang Kanyang sarili sa Kanyang mga Banal na Kasulatan at sa pamamagitan ng Kanyang mga Propeta upang ang tao ay magkaroon ng tamang pang-unawa kung sino Siya. Dahil ang kaisipan ng tao ay may hangganan sa kaalaman, mahirap niyang maabot ang bagay na walang hanggan.
Kaya naman, ang Allah, sa Kanyang pagiging maawain, ay nagpahayag sa tao ng Kanyang katangian upang maiwasan ng tao ang pagkalito tungkol sa katangiang para sa nilikha at katangian para sa Lumikha. Kapag ang katangian ng Diyos ay ipagkamali sa mga katangian ng mga nilikha, ang tao ay nauuwi sa pagtanggap o pagturing sa nilikhang bagay bilang “diyos”. Ang pagturing sa isang nilikhang bagay bilang "diyos" ang siyang kinasasangkutan at batayan ng idolotriya sa lahat ng uri o pamamaraan nito. Sa iba't ibang relihiyon, ang mga nilikhang bagay o tao ay binibigyan ng katangiang pagka-diyos na nagiging batayan ng pagsamba nila sa mga ito bilang kahati ng Diyos.
Ang pagsamba sa mga nilikhang bagay o tao sa halip ng pagsamba sa tunay na Diyos ay isang tuwirang pagtalikod sa dahilan kung bakit ang tao ay nilikha ng Diyos. Samakatuwid, ito ay isang malaking kasalanan na walang kapatawaran kapag ang tao ay nanatiling nasa ganitong kalagayan sa kanyang pagkamatay. At dahil ang layunin sa pagkakalikha sa tao ay upang sambahin ang Diyos, ibinigay Niya bilang unang kautusan ang pagsamba at pananampalataya sa Kanya.
Ang Allah ay nagbigay-babala sa tao na matutunghayan sa Banal na QurĂ¡n:

Sa iba't ibang relihiyon, ang Diyos ay binigyan ng hugis o anyo at katangian sa katauhan ng isang tao, hayop, halaman at mga ibang bagay na nilikha lamang. At dahil ang tao ay higit sa hayop o anuman, ang anyo ng tao ang madalas ginagamit ng mga sumasamba sa diyus-diyusan sa paglalarawan sa Diyos. Kasunod nito ay ang pagpinta, pag ukit o paghubog sa anyo ng tao bilang imahen ng Diyos na nagtataglay ng pisikal na katangian kaalinsabay ng pagsamba sa mga ito bilang diyos. Ang mga Hindu o Buddhist ay sumasamba sa di-mabilang na inukit na idolo na inihawig sa Asyanong tao at kanilang itinuturing bilang larawan ng Diyos. Ang mga makabagong paniniwala sa Kristiyanismo na si Hesus ay diyos na nagkatawang- tao, na ang Tagapaglikha ay naging isang nilikha ay isang halimbawa ng pagsamba ng tao sa isang nilikhang tao lamang. Maraming Kristiyanong pintor katulad ni Michaelangelo na nagpinta ng larawan ng Diyos bilang isang matandang Europeyanong nakahubad na may mahabang puting buhok at balbas na nakasabit ngayon sa Sistine chapel sa Vatican. Ang mga larawang ito ay itinatanghal, ipinagkakapuri at inilalagay sa mataas na karangalan ng mga bansang Kristiyano.
Sa mga di-mabilang na katangian ng Allah, isa sa may mataas na pagpapahalaga ay yaong tungkol sa pagsamba sa Allah sa halip ng pagsamba sa Kanyang mga nilikha. Ang katangiang ito ay tinatawag sa Arabik na “Al-Uloo” na nangangahulugang "Ang Kataas-taasang Diyos". Ito ay nagsasaad ng katotohanan na ang Allah ay nasa kataas-taasan at lagpas sa Kanyang mga nilikha. Siya ay hindi nasasakop o napapaloob sa Kanyang mga nilikha, o di kaya’y nakasanib sa anumang bahagi ng Kanyang nilikha. Sa katotohanan, ang Kanyang sarili ay ganap na nakahiwalay at kakaiba kaysa sa nilikha. Kaya sa Islam, ang konseptong "Ang Diyos ay nasa lahat ng lugar at sa lahat ng bagay" ay ganap na tinatalikdan at hindi tinatanggap sapagka’t kung ang Diyos ay nasa lahat ng bagay at nasa lahat ng lugar, ito ang siyang daan upang ang tao ay mahulog ng ganap sa IDOLOTRIYA. Ang mga Hindus ay sumasamba sa baka, elepante, punung-kahoy, ahas, at iba pa dahil sa paniniwala na ang Diyos ay nasa loob ng mga ito. Sanhi ng ganitong paniniwala, daan-daang bagay ang kanilang iniidolo bilang diyos. Kaya makikita sa kanilang templo ang iba't iba at sari-saring bagay na kanilang ginawang diyos. Ganito rin naman ang kalakaran ng mga Buddhist, na ang diyos ay nasa katauhan ni Buddha, kaya naman hayagan nilang sinasamba si Buddha bilang kanilang diyos. Ang katayuan ni Buddha ay siya ring katayuan ngayon ni Hesus sa relihiyong Kristiyanismo – na si Hesus na isang Propeta ay naging diyos na nagkatawang-tao. Taliwas sa paniniwalang ito, kahit sa Bibliya ay walang sinabi si Hesus na siya ay diyos na dapat sambahin. Ang katotohanan marami sa mga talata sa Bibliya ang nagpapatunay na si Hesus ay Sugo at Propeta ng Diyos. Sa Pilipinas, mayroon ding relihiyon na ang tampulan ng kanilang pagsamba ay isang bayani ng bansa. O di kaya’y may mga relihiyosong o kulto na dahil sa kanilang bulag na paghanga sa isang presidente kanila itong iniugnay bilang taong may pagka-diyos. Ang Diyos ay wala sa lahat ng lugar o bagay. Siya ay nasa itaas ng lahat ng Kanyang nilikha. Bagama’t Siya ay nasa itaas ng Kanyang nilikha, batid Niya ang lahat ng lugar at bagay. At Kanyang nakikita at nalalaman ng lahat ng bagay at lugar maging ang nilalaman ng mga ito. Ang Banal na Qur'an ay nagsabi:
Siya ang nakababatid (ng lahat), nakatago man o nakalantad. [59:22]
Siya ang nagmamay-ari ng anumang nasa mga kalangitan at kalupaan at ng nasa pagitan ng mga ito. [20:4]
Sa Kanya ang mga susi ng mga di-nakikitang bagay. [6:59]
Kaya walang banal na kadahilanan upang siya ay maging isang nilikha. Dapat isipin na hindi magpapakababa ang Diyos nang dahil sa tao. Ang tao ang nararapat magpakababa para sa Diyos. Kumilala man ang tao sa Diyos o hindi, Siya ay mananatiling Diyos. Ang kapangyarihan at kadakilaan ng Diyos ay hindi mababawasan maniwala man o hindi ang tao sa Kanya. Nguni’t nasa tao ang ganap na kawalan sa sandaling itakwil niya ang Diyos. Sapagka’t ang parusa ay walang hanggang apoy ng Impiyerno. Sa mundong ito, dalawang bagay lamang ang pagpipilian ng tao, ang pumailalim at sumunod sa batas ng Diyos o kaya naman ay pumailalim sa sariling kagustuhan. At sa kabilang buhay, isa sa dalawang bagay din naman ang naghihintay sa tao, ang Paraiso o kaya ang Impiyerno.
Kung pinili ng tao ay pagpailalim sa batas ng Diyos, ang kanyang huling hantungan ay Paraiso. Sa kabilang dako naman, kung ang tao ay pinili ang sariling kagustuhan, katiyakan siya ay maliligaw ng landas at siya ay mapapahamak. At sa kanyang pagkaligaw, ang Impiyerno ay ang kanyang huling hantungan. Kaya ang mensahe ng Islam ay sumasagisag sa ganap na pagsuko at pagsunod sa kalooban ng Diyos upang makamtan ng tao ang tunay na kahulugan ng kapayapaan sa sarili at sa kapaligiran at higit sa lahat makamtan niya ang tunay na kaligayahan sa kabilang buhay.
Ang Islam bilang relihiyon ay nagbigay-babala na umiwas sa idolotriya (ang pagsamba sa istatwa, larawan, santo, santa, Propeta, bayani, presidente, o sa patay at iba pa). Hindi angkop sa kadakilaan, kapangyarihan, kabanalan at karunungan ng Diyos na Siya ay maging nilikha upang sambahin ng kapwa nilikha.
Bagama’t ang Diyos ay nasa itaas ng Kanyang mga nilikha. Siya ay malapit sa mga taong mabubuti ang gawa at kumikilala sa kanya. Dinidinig Niya ang kanilang panalangin. Minamahal niya ang taong nagmamahal sa Kanya at nagpapatawad ng kasalanan sa sinumang tapat na nagsusumamo sa Kanya. Ang Kanyang pintuan ay laging bukas sa lahat ng nagsisisi at nanunumbalik sa Kanya.
source: tanglaw buhay

Wednesday, March 17, 2010
Field Trip Sa Wafra Kuwait
Napaghandaan Mo na ba ang Takdang Oras?

Marahil lahat tayo ay may kaalaman tungkol sa mga palatandaan ng Araw ng Paghuhukom. Ito ay nababanggit sa Banal na Qur'an at sa mga Hadith ni Propeta Muhammad. Ang unang kaganapan tungo sa Araw na iyon ang siyang huling yugto ng ating oras dito sa mundo – ang ating kamatayan. Magkagayon, may isang natatanging oras na nakatakda sa bawa’t isa sa atin, na mahalagang malaman at mapaghandaan. Ang oras na ito ay inilahad sa Hadith ni Propeta Muhammad.
Isang Bedouin (namumuhay sa disyerto) ang lumapit kay Propeta Muhammad at nagtanong sa kanya, kailan ba ang takdang oras? Itinuro ng Propeta ang isang batang lalake at nagsabi, Kapag ang batang ito ay lumaki, sa pahahon ng kanyang katandaan at kalakasan, ang iyong oras ay katiyakang lumipas na.
Ito ang oras na katiyakang dapat paghandaan, at ito rin ang oras na palapit ng palapit sa ating buhay sa bawa't sandaling lumilipas. Ang magsisilbing oras ng pagpapasiya sa bawa't isa sa atin kasabay ng pagwawakas ng ating mga gawa. Katotohanan, ito ang tanging oras! Ang hindi maiiwasang darating sa ating buhay at mararanasan ng bawa’t may kaluluwa. Ang paliwanag sa sinabi ng ating Dakilang Lumikha (Allah) sa Banal na Qur'an:
Makalalasap ng kamatayan ang lahat ng may buhay. At tanging sa Araw ng Pagbabagong-Muli ipagkakaloob ang inyong mga gantimpala. At sinumang iniligtas sa Apoy (ng Impiyerno) at ipasok sa Jannah (Paraiso), katotohanan siya ay nagtagumpay. At wala (kang makikita) sa buhay sa mundong ito maliban lamang sa mapanlinlang na kasiyahan. [Qur'an 3:185]
Ito ang panahon na kapag ang ating mga gawa ay tuwiran ng magwawakas. Matapos yaon, matatagpuan na lamang natin ang ating mga sarili sa tagpo ng pagbabalik sa ating Dakilang Lumikha upang magsulit sa ating mga gawa. Samakatuwid, dapat nating isaalang-alang ang pagninilay at pagtatanong sa ating mga sarili at sikapin nating makagawa ng mga mabubuti bago pa mahuli ang lahat. Ano ba ang ating naihanda bago dumating ang takdang oras? Ano ba ang ating mga ginawa sa ating buhay sa mundong ito bago ito tuwirang magwakas?
Ang ganitong mga pagsusuri at pagtatanong sa sarili ay nagtuturo ng isang sagot: Sa katunayan ang tanging bagay lamang na ating dapat na ihanda bago pa dumating ang itinakdang oras para sa atin ay ang ating tunay at dalisay na pananampalataya sa ating Tangi at Dakilang Lumikha – ang Allah at kaakibat nito ay ang ating mga mabubuting gawa. Si Propeta Muhammad ay nagwika na kailangan nating paghandaan ang pagdating ng takdang oras sa ating buhay. Kailangan nating gamitin ang ating buong buhay bilang paghahanda sa pagdating ng kamatayan at higit sa lahat sa pagsapit natin sa kabilang buhay na kung saan ang buhay na yaon ay wala ng hanggan at hindi na tayo muli pang makababalik sa nakaraan upang itama ang ating mga maling gawa.
Kung hindi natin gagamitin ang buhay na ito para sa paghahanda sa kabilang buhay, magkagayon, sinasayang lamang natin ang ating buhay at ang bawa’t yugto nito maging ito man ay isang tagpo ng tagumpay sa daigdig na ito. Kahit pa tayo ay malayo na ang narating, mataas ang ating katayuan sa lipunan, may mga malalaking palasyo, at maraming sasakyan, ito ay isa lamang tagpo ng pagsasayang ng ating panahon kung wala tayong paghahanda sa pagdating ng itinakdang oras sa ating buhay.
Sa pagdating ng oras na yaon, may tatlong bagay na susunod sa atin sa libingan; ang ating mga yaman, mga mahal sa buhay at ang ating mga gawa. Dalawa rito ang babalik at isa lamang ang maiiwan at makakasama natin. Ang ating mga yaman at mga mahal sa buhay ay muling babalik kung saan sila namamalagi at hindi tayo sasamahan sa ating kalalagyan. Hindi natin sila maisasama sa ating hukay upang sa araw ng Pagbabangong-Muli ay maging karamay o maging tanggulan kung maaari man para sa ating kahihinatnan doon. Subali't tanging isa lamang ang maiiwan upang makasama natin sa ating libingan – ang ating mga gawa.
Mga minamahal na kapatid, kailangan nating pag-isipan at bigyan ng pansin ang ating buhay at paghandaan ang takdang oras bago pa ito sumapit. Kailangan natin itong paghandaan bago pa ang Anghel ng Kamatayan ay isugo ng Allah at dumating sa atin upang hugutin ang ating kaluluwa. Dapat din nating maunawaan na kung tayo ay handa sa pagharap sa itinakdang oras na yaon, ang Anghel ng Kamatayan ay lalapit sa atin na may magandang anyo, marahan niyang huhugutin ang ating kaluluwa palabas mula sa ating katawan, at ang Anghel ay aanyayahan tayo sa kasaganaan ng buhay sa Paraiso na inihanda ng Allah mula sa Kanyang habag at awa.
Sa kabilang-dako kung dumating ang takdang oras sa ating buhay na hindi tayo handa para dito dahil sa ating kapabayaan, ang ating mararanasan ay kakaiba. Ang Anghel ng Kamatayan ay darating at lalapit sa mga di-mananampalataya at mapaggawa ng masama na may nakatatakot na anyo. Lalapit siya at tatawagin ang kanyang kaluluwa sa poot at galit ng Allah kasama ang nagbabadyang kaparusahan para sa kanya. Ang kaluluwa ng di-mananampalataya ay magpupumilit na huwag lumabas sa kanyang katawan hanggang sa hugutin ito nang marahas at sapilitang ilabas mula sa kanyang katawan hanggang sa magkapunit-punit ito. Ito ba ang ating nais na harapin at danasin pagdating ng takdang oras? Ang ganitong tagpo sa buhay ng isang tao ay nangangahulugan lamang ng hindi pag-iisip at pagpapabaya sa sarili tungo sa paghahanda sa takdang oras ng buhay.
Si Propeta Muhammad ay nagsabi: Kapag ang isang di-mananampalataya ay nasa kalagayan na ng paglisan ng buhay dito sa daigdig at tumatawid sa kabilang-buhay, bababa sa kanya mula sa langit ang mga matatapang at mababagsik na mga anghel na may maiitim na mukha at may dalang Masuh (isang uri ng damit) mula sa Jahannam (Impiyerno). Uupo sila ng napakalayo sa kanya na kasing layo ng abot-tanaw. Pagkatapos, darating ang Anghel ng Kamatayan at uupo sa kanyang ulunan at magsasabi: 'O ikaw na masamang kaluluwa, lumabas ka tungo sa galit at poot ng Allah (swt). Magkakahiwa-hiwalay ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan at kukunin ito ng anghel katulad ng paghugot ng isang tinik ng sanga mula sa basang balahibo ng tupa. Kukunin ng Anghel ng Kamatayan ang kanyang kaluluwa, at sa kanyang pagkuha hindi ito iiwan ng ibang anghel sa kanyang kamay at sa isang kisap-mata’y ibabalot nila sa kanya ang Masuh (damit mula sa Impiyerno). Lalabas mula sa kanyang kaluluwa ang isang mabahong amoy na kasing-baho ng pinakabulok na bangkay na matatagpuan sa daigdig. (Imam Ahmad) Sa Banal na Qur’an, ating mauunawaan ang sinabi ng Allah kung paano ang pagkuha ng kaluluwa sa mga di-mananampalataya. At kung inyong makikita kung papaano kunin ng Aming mga anghel ang kaluluwa ng mga di-mananampalataya sa oras ng kanilang kamatayan, hahambalusin nila ang kanilang mga mukha at ang kanilang mga likod, na nagsasabing: lasapin ninyo ang kaparusahan sa naglalagablab na Apoy. Ito ay dahil sa mga ipinadalang (kasamaan) ng inyong kamay. Katotohanan, ang Allah ay makatarungan sa Kanyang mga alipin. [Qur'an 8:50-51] Bakit ang isang kaluluwa ay mahaharap sa ganoong napakalagim na katapusan? Bakit ang isang kaluluwa ay ayaw lumabas nang banayad sa kanyang katawan patungo sa kanyang Dakilang Lumikha? Ano ang dahilan kung bakit ang isang kaluluwa ay gustong manatili sa kanyang katawan at mamalagi sa daigdig na ito? Marahil, ang sagot sa mga tanong na ito sa gayong tagpo ay malinaw sa bawa't isa sa atin. Maraming dahilan kung bakit ang isang kaluluwa ay ayaw lumabas sa kanyang katawan kapag ang Anghel ng Kamatayan ay dumating upang kunin ito sa itinakdang oras. Ang pinakamahalagang dahilan upang humantong sa ganito kalagim na tagpo at masamang pagwawakas ng isang kaluluwa ay dahil sa mali niyang pananampalataya o kaya naman ay pag-aalinlagan sa katotohanan tungkol sa Islam. Sinuman ang naniniwala sa ibang batayan maliban sa Qur'an at Sunnah ng Propeta, o kaya naman ay may pag-aalinlangan ukol dito sa oras na yaon, ay mapag-aalaman ng kanyang kaluluwa ang mga kamaliang kanyang nagawa. Kapag ang takdang oras ay dumating na sa isang di-mananampalataya doon lamang niya maiisip ang kanyang mga ginawa. Katotohanan, lahat ng mga gawa ng tao ay walang pantubos sa oras na yaon, kung mananatili sa kanya ang maling paniniwala at ang pag-aalinlangan na siyang magtutulak sa kanya pagtalikod sa pananampalatayang Islam. Ating mababasa sa Banal na Qur'an: Sabihin (O Muhammad)! Sasabihin ba Namin sa inyo ang pinakatalunan hinggil sa kanilang mga gawa? Sila ay yaong ang kanilang mga gawa ay nasayang sa buhay na ito habang iniisip nilang may nakakamit silang kabutihan sa kanilang mga gawa. [Qur'an 18:103-104]
Ang kahalagahan nito ay dapat na isaalang-alang ng bawa't isa, lalo na ng mga taong nagsasabing sila ay bata pa pagdating sa pananampalataya. Iniisip ng ilang tao na ang pagiging matapat sa pagkilala at pagsamba sa Allah ay para sa mga matatanda lamang at ang kanilang kabataan ay kailangan muna nilang gugulin sa pagpapakasaya sa makamundong bagay at pagdating ng kanilang katandaan ay saka pa lamang sila magsisisi at magbabalik-loob sa nag-iisang Dakilang Lumikha – ang Allah. Lagi nilang iniisip na marami pa silang natitirang panahon sa hinaharap upang ilaan sa pagdakila at pagsamba sa Allah. Ito ay sa kabila ng wala silang katiyakan kung ano ang kanilang magiging kinabukasan at hanggang kailan magwawakas ang yugto ng kanilang buhay. Hindi ba nila nababatid na maaari silang mamatay sa panahon ng kanilang kabataan? Sa sandaling mangyari ito’y saka pa lamang nila mapagtatanto na ang oras ng pagsisisi at paggawa ng mga mabubuting bagay ay hindi naghihintay ng kanilang pagtanda, kundi sa alinmang oras ng kanilang buhay kahit na sa kanilang kabataan. Ang kaluluwa ng isang tao ay magiging masaklap ang kahahantungan at makalalasap ng matinding pagdurusa, kapag ang Anghel ng Kamatayan ay dumating maging sa panahon ng kanyang kabataan bago pa ang oras na inisip niyang maging taimtim sa kanyang mga tungkulin sa Allah at magsisi sa kanyang mga kasalanan.
Ang pagkakaroon ng mahinang panananampalataya, pagmamahal nang labis sa makamundong buhay at ang hindi pagbibigay ng pansin sa paghahanda sa kabilang buhay ang siyang magiging dahilan ng masaklap at masamang wakas. Ang isang tao sa oras ng kanyang kamatayan ay mamamaalam sa lahat ng mga bagay na minahal niya nang labis sa buhay niya dito sa mundo. Ang kanyang kaluluwa ay hindi magiging handa para iwan ang anumang labis niyang minahal sa buhay. Sana’y ginawa niyang mahalin ang Allah at inihanda ang sarili sa pagharap sa kabilang buhay kasabay ng kanyang di-pagtangi at di-pagmamalabis sa kasiyahan sa mga biyaya ng Allah dito mundo! Ilan sa mga paham (scholar) ng Islam ay sumulat tungkol sa taong nasa banig na ng kamatayan at sa oras na yaon ay hinihikayat nilang bigkasin niya ang mga katagang La Ilaha Illa Allah [walang tunay na diyos na dapat sambahin maliban sa Allah] at hindi niya ito magawa. Sapagka't ang iniisip lamang ay ang mga bagay na kanyang kinagiliwan at labis na minahal sa mundong ito. Anuman ang kanyang naging buhay at kasaganaang naranasan ay siya rin namang ayaw niyang iwanan sa oras ng kanyang kamatayan.
Malinaw na ipinahayag ni Propeta Muhammad na sinuman ang napopoot na makatagpo ang Allah, ang Allah ay kasusuklaman din siya. Ang taong may masamang wakas sa kanyang buhay ay makikita ang kanyang kalalagyan sa Impiyernong Apoy. At hihilingin niya na huwag ng dumating ang Araw ng Paghuhukom. Ayaw niyang makatagpo ang Allah. Magkagayon ang kanyang pagsusumamo ay hindi pakikinggan. Katotohanan, ang oras ng kanyang pagdarasal, pagsusumamo at pagsisisi sa mga kasalanan sa mga pagkakataong yaon ay wala ng saysay at tanging ang kanyang magagawa ay hintayin na lamang ang oras na darating upang harapin niya ang matinding kaparusahan bunga ng kanyang mga ginawa.
Minamahal na mananampalataya, ang paghahanda sa takdang oras, ang pagsisikap na maging mabuti at dalisay ang ating mga gawa, ang pagsamba lamang natin sa Allah at ang ating hangaring maging masunurin sa Kanyang mga ipinag-uutos, ay tanging landas upang ang ating oras ay tuwirang maging kapaki-pakinabang.
Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: "Kapag ang isang mananamapalataya ay nasa oras na ng paglisan sa mundong ito at patungo na sa kabilang buhay, ang mga anghel na may mga mapuputing mukha, katulad ng sinag ng araw, ay bababa sa kanya dala ang isang damit at pabango mula sa Paraiso at uupo sa malayo na kasing layo ng abot-tanaw. At ang Anghel ng Kamatayan ay uupo sa kanyang ulunan at magsasabi, 'Mabuting kaluluwa, halina't lumabas ka tungo sa kapatawaran at habag ng Allah'. At ang kanyang kaluluwa ay lalabas nang marahan katulad ng paglabas ng patak ng tubig na banayad na lumalabas mula sa isang sisidlan. At kapag nangyari na ito, hindi nila bibitiwan ito sa kanilang mga kamay, at ibabalot nila ito (ng damit) at lalagyan ng pabango mula sa Paraiso, at mula roon ay lalabas ang isang pambihirang amoy na kasing bango ng pinakamainam na pabangong musko sa balat ng lupa."
Tunghayan nating ang sinabi ng Allah sa Banal na Qur'an tungkol sa mapayapang pagpanaw ng mga mananampalataya sa oras ng kanilang kamatayan, yaong mga dalisay at tapat sa kanilang pananampalataya, gumagawa ng mga mabubuting bagay at nagsisisi nang tapat matapos na sila ay nakagawa ng kamalian.
Katotohanan, yaong mga nagsasabing: Ang aming Panginoon ay ang Allah lamang, at pinanatili nila ito, (sa oras ng kanilang kamatayan) bababa sa kanila ang mga anghel at magsasabing: huwag kayong matakot o mangamba! Sa halip ay tanggapin ninyo ang mainam na balita ng pagpasok sa Paraiso na ipinangako sa inyo. Kami ang inyong naging mga kaibigan sa buhay ninyo dito sa lupa gayundin naman sa kabilang buhay. Doon ay makakamtan ninyo ang lahat ng inyong naisin, at doon ay matatamasa ninyo ang lahat ng inyong hihilingin. Ang walang hanggang kasiyahan mula sa Allah, ang Mapagpala, ang Maawain. [Qur'an 41:30-32]
Ipakikita sa taong ito ang kanyang kalalagyan sa Paraiso habang siya ay nasa kanyang libingan. At sasabihin niya sa Allah na gawing madali ang pagdating ng Araw ng Paghuhukom. At ito ang kahulugan ng sinabi ni Propeta Muhammad: "Sinuman ang nagmamahal at nagnanais na makaharap ang Allah, mamahalin at nanaisin din ng Allah ang makaharap siya. "
At ito ang ating magiging katayuan sa pagdating ng takdang oras – ang ating sariling oras na tiyak na darating at kailangan nating harapin. Maaaring isa tayo sa mga kaluluwang kukunin nang malumanay sa ating katawan o kaya naman ay isa sa mga kaluluwang magpupumilit pang manatili sa katawan pagdating ng kamatayan. Magkagayon, mula sa mga sandaling ito’y kailangan nating ilaan ang ating buong makakaya upang gumawa ng mga mabubuting bagay, upang mapabilang tayo sa mga taong may maligayang wakas ang buhay sa daigdig na ito. Magagawa natin ito sa pagwawaksi ng ating maling pananampalataya, alisin natin ang ating pag-aalinlangan, pagsisihan ang ating mga masasamang gawa, laging isaalang-alang at isa-puso ang kahahantungan natin sa kabilang buhay.
Iiwan ko sa bawa't isa sa atin ang sinabi ni Ali ibn Abu Talib, ang huling khalipa ng Sugo ng Allah. Sinabi niya: Humayo kayo sa pamamagitan ng buhay na ito at pumaroon kayo sa hinaharap tungo sa susunod na buhay. Ang bawa't buhay ay may bunga at kahulugan, magkagayon hangarin ang bunga ng buhay sa kabila upang hindi mawalang-saysay ang mga bunga ng pamumuhay sa daigdig na ito. Ngayon ang panahon na ang ating mga gawa ay walang pagsusulit, subali’t bukas ay ang panahon ng ating pagsusulit at hindi na tayo makagagawa pa ng anuman upang ituwid ang anumang pagkakamali.
Dalangin ko sa Allah na mapabilang tayo sa mga taong bibiyayaan Niya ng magandang wakas ang buhay sa daigdig na ito. O Allah, nawa’y akayin kami sa matuwid na landas at panatilihin kami sa landas ng Iyong mga pinagpala. Ameeen.
Assallamu Alaykum wa Rahmatullahi wa Barakatu! Nawa'y sumainyo ang kapayapaan at pagpapala ng Allah.
Subscribe to:
Posts (Atom)